“THANK you, President (Rodrigo) Duterte!”
Sinamahan ng mahigit sa 500 national athletes na nagtipon-tipon para sa National Team General Assembly na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sina Executive Secretary Salvador Medialdea, PSC Chairman Wiliam ‘Butch’ Ramirez at PSC Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey at Ramon Fernandez sa pagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa suporta nito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Medialdea na kinansela niya ang kanyang biyahe upang samahan ang mga national athletes. “I just want to relay to you the support of our President. He is behind you para sa (laban sa) SEAG!”
Hinikayat ng Executive Secretary ang mga atleta na magpokus sa kanilang pagsasanay at sa nalalapit na SEAG competitions. “Ilayo natin lahat sa mga problema ang lahat ng ating gagawin. Laro lang tayo. Let us win as one and patuloy natin itaguyod and ating bansa sa larangan ng sports.”
Sinalubong ni Ramirez ang crowd, at pinasalamatan si Medialdea sa pagsama sa mga atleta.
“It means a lot to feel and see the government’s care for sports,” aniya, at idinagdag na ito ang unang pagkakataon na nakiisa ang isang presidential executive secretary sa naturang aktibidad ng sports agency.
Dumalo rin sina track and field legend Elma Muros-Posadas at Olympic silver medalist Onyok Velasco kung saan kapwa nila hinimok ang mga atleta na gawin ang lahat ng kanilang makakaya. Pinaalalahanan din ni Muros-Posadas ang mga atleta kung gaano kasuwerte ang mga ito na magkaroon ng isang pangulo na sumusuporta sa sports.
“Napakapalad ninyo kasi si Presidente 100% ang suporta. Huwag ninyong pansinin ang problema. Huwag ninyong isipin ang gulo. Focus tayo sa laban. Andito tayo sa bansa natin kaya lalong galingan natin. Patay kung patayan. Gigil sa kalaban ‘wag sa opisyal,” anang athletics star.
Comments are closed.