NATIONAL BUDGET MULA SA HOUSE ‘DI LALAGDAAN  NI DUTERTE

Senate President Vicente Sotto III

IKINATUWA ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito lalagdaan ang isinumiteng kopya ng Kamara na 2019 General Appropriations Act.

Sinabi ng Pangulo na hindi ito lalagdaan dahil may illegal act dito.

Inamin ni Sotto na natanggaap na ng kanyang tanggapan ang isinumiteng kopya ng Kamara na 2019 GAA o National budget.

Aniya, pinag-aaralan na ng kanyang mga legal kung may ginawang realignment ang Kamara matapos ang kanilang isinagawang bicam at pagratipika sa budget.

Nanindigan si Sotto na hindi nito lalagdaan ang 2019 GAA ng House kapag nakita nila na hindi na ito ang orihinal na kanilang napagkasunduan sa bicam budget at ang niratipika ng  parehong chamber.

Nakarating kasi sa kaalaman ng Senado na matapos ang Bicam ay muling ginalaw ng Kamara ang budget ng mga kongresista sa kanilang mga distri-to.

Aniya, nagkaroon ng dagdag bawas base sa nakuhang impormasyon sa mga ilang kongresista nila Senador Panfilo Lacson at Senate Minority Lead-er Franklin Drilon.

Idinagdag pa nito,  hindi maaring galawin ng Kamara ang budget kapag ito ay aprubado na sa Bicam.  VICKY CERVALES

Comments are closed.