ITATATAG na sa bansa ang National Center for Geriatric Health and Research Institute (NCGHRI) matapos na makapasa sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas para rito.
Sa botong 201 na pabor at wala namang tumutol ay nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10697 na titiyak na mabibigyan ng holistic health services ang lahat ng mga senior citizen sa bansa.
Sa panukala ay itatatag ang mga medical facilities at geriatric specialty centers sa lahat ng panig ng bansa.
Ang Geriatrics ay isang sangay sa medisina na ang focus o sentro ay pangangalaga sa kalusugan ng mga matatanda.
Nauna nang sinabi ni Health Committee Chairman Angelina “Helen” Tan na ang NCGHRI ay may mandato na magtatag, mag-operate, at mag-maintain ng integrated medical institution na bihasa sa geriatric health services.
Magsisilbi ring training ground ito para sa mga bagong doctor na gustong maging geriatrician lalo pa’t mababa lamang ang bilang ng mga doctor sa bansa na espesyalista pagdating sa kalusugan at mga sakit ng mga matatanda. Conde Batac