QUEZON CITY – NABULABOG ang mga pasyente, doktor at iba pang kawani ng National Children’s Hospital nang masunog ito sa E. Rodriguez Sr. Avenue.
Batay sa ulat, nagsimula ang apoy sa ikapitong palapag ng gusali kung saan may ginagawang konstruksiyon.
Agad namang inilikas ang mga pasyenteng nasa loob ng nasunog na gusali ng ospital kung saan ilan sa mga ito ay mga sanggol.
Itinaas naman sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula pasado alas-11:20 kaninang umaga.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsalang idinulot nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.