IPINARADA ng 84 na kandidata ng Miss Universe 2023 ang kanilang makukulay na pambansang kasuotan sa 2023 Miss Universe preliminaries sa El Salvador Biyernes ng umaga (oras sa Maynila).
Nagpakita ng suporta ang mga netizen at fans ng Miss Universe sa kompetisyon dahil ang hashtag na #MissUniverse2023 ang naging top trending topic sa X (dating Twitter).
Ilan sa mga kandidata na gumawa ng marka sa netizens ay ang mga mula sa El Salvador, Nicaragua, Nepal, at kinatawan ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee.
Nakatanggap naman ng malakas na palakpakan si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios nang siya ay naging isang itim na ibon.
Si Miss Philippines Michelle Dee naman ay pumailanglang nang siya ay naging isang piloto. Ang kanyang costume na ginawa ni Michael Barassi na kumakatawan sa Pilipinas na nagliliwanag at handang yakapin ang Universe.
Sa kanyang costume, ang Philippine bet ay nagbigay pugay sa kanyang tungkulin bilang Philippine Air Force reservist.
MA. LUISA GARCIA