ISINUSULONG ni Taguig Rep. Pia Cayetano sa Kamara ang pagkakaroon ng ‘national database’ para sa lahat ng available at indemand na domestic jobs sa bansa.
Layunin nito na mapaghandaan ng mga Filipino ang mga job opportunities at ipares sa kanilang mga kakaya-han ang mga trabahong makikita.
Tinukoy na dumarami ang mga oportunidad para sa mga Filipino na skilled worker sa bansa dahil na rin sa paglakas ng construction industry.
Kabilang dito ang Build Build Build program ng Duterte administration na nakapagbukas na ng 25,000 job po-sitions para sa mga Filipino.
Pero sa kabila ng maraming job opportunities para sa mga Filipino, nahihirapan ang marami na matanggap sa trabaho dahil sa kawalan ng skills na pangunahing requirement sa mga job opening.
Mahalaga na magkaroon na ang bansa ng database para sa actual at projected jobs sa susunod na taon upang mabatid na agad ng publiko kung anong dapat na i-develop na skills na akma sa papasuking trabaho. CONDE BATAC
Comments are closed.