CAMP CRAME – SA ikalimang taon ay muling inalala ng Philippine National Police (PNP) ang katapangan at kabayanihan ng 44 na Special Action Force (SAF) Commandos na brutal na namatay sa Brgy.,Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao makaraang maging matagumpay sa paglikida kay Malaysian bomb expert at teroristang si Zulkipli Bin Hir alyas Marwan.
Ayon PNP Chief, PGen. Archie Francisco Gamboa, hindi nakakalimutan ng PNP ang ginawang pagbuwis ng buhay ng 44 na SAF Commandos para lamang mapatay ang most wanted international terrorist noong Enero 25, 2015.
Sinabi ni Gamboa, magsisilbing inspirasyon sa mga pulis ang mga ginawang kabayanihan ng police commandos para mas gampanan ang kanilang sinumpaang misyon na protektahan ang taumbayan sa pamamagitan ng mas maigting na police operation kontra krimen at ilegal na droga.
Mensahe pa ni Gamboa sa pamilya ng 44 na SAF kasama nila ang PNP sa patuloy na nalu-lungkot sa pagkawala ng 44 na SAF subalit mananatili aniya ang alaalang nagawa para sa PNP at sa bayan. REA SARMIENTO