NATIONAL DAYS OF PRAYER ITINAKDA SA MGA SINALANTA NI ODETTE

CBCP OFFICE

NAGTAKDA  ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng national days of prayer para sa mga pamilyang apektadong ng Bagyong Odette.

Sa pahayag ng Simbahang Katolika, iaalay ang Disyembre 25 at 26 upang ipanalangin ang pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng sama ng panahon.

Hinikayat din ang mga diocese na magkaroon ng second collection sa lahat ng misa sa Araw ng Pasko at sumunod na araw para sa mga biktima.

Ayon kay CBCP president Bishop Pablo Virgilio David ng Kalookan, gagamitin ang “Alay Kapwa Solidarity Fund” para sa collective emergency response ng simbahan.

“We encourage everyone to remit all collections to Caritas Philippines that will then plan and implement our overall response,” pahayag ni David.

Dagdag pa nito, “May this season of giving offer us more opportunities to do consistent acts of Alay Kapwa (offering of oneself).”