NATIONAL EMPLOYMENT RECOVERY PLAN

NATIONAL EMPLOYMENT RECOVERY PLAN

MILYON-MILYONG Filipino ang nawalan ng trabaho sa pagbagsak ng ekonomiya sanhi ng mga lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa briefing kahapon ay sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na inihahanda na ng pamahalaan ang paglalatag ng three-year National Employment Recovery Strategy (NERS) ngayong taon para makabangon ang mga manggagawa at muling mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

Ang NERS ang nagsisilbing “blueprint” para sa disenteng employment at entrepreneurship sa ‘new normal’.

Ayon kay Tutay, ang recovery plan ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kinonsulta rin, aniya, ang iba’t ibang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pagbalangkas ng employment recovery plan.

“Ngayon nailagak na ang action plan and strategy sa mga government agencies,” sabi ni Tutay.

Aniya, ang action plan ay may apat na bahagi.

“Una, economic activities. Kasama ang policies and guidelines para sa safe reopening ng mga negosyo at safety ng mga manggagagawa, consumers,” anang opisyal.

“Pangalawa, is the restoration of business confidence, consumer protection and reboot package for the MSMEs,” sabi pa ni Tutay.

Ang ikatlo ay ang pag-upgrade sa workforce sa pamamagitan ng skills training, at ang huli ay ang recovery plan na kinabibilangan ng labor market ac-cess facilitation tulad ng pagsasagawa ng career o job fairs.

“Inaasahan po natin na maganda ang outlook for 2021. Hindi man babalik sa pre-COVID level, but at least po malaki ang opportunity na makabangon po talaga ang ating ekonomiya at manggagawa,” aniya.

“Naka-focus po sa businesses at manggagawa ‘yung national employment recovery plan,” dagdag pa niya.

Comments are closed.