NATIONAL FRENCH FRY DAY

FRENCH FRY DAY

(ni CT SARIGUMBA)

KUNG may isa mang pagkaing kinahihiligan natin o hindi nawawala sa ino-order natin kapag nasa fastfood tayo, iyan ang french fries. Katakam-takam nga naman ang french fries. bata man o matanda, love na love itong kainin. Bukod sa masarap nitong lasa ay napaka-versatile rin nito kaya minahal ito at laging kasama sa kinahihiligang pagkain, hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong mundo.

Sa Filipinas, isa ang french fries sa paborito ng bawat isa sa atin. Walang oras, panahon at pagkakataon din ito kung hanapin o katakaman natin. Swak na swak din itong ipares sa kahit na anong pagkaing a­ting maisipan. Pansinin na lang natin, kapag kakain tayo sa mga fastfood, paniguradong bukod sa meal na o-orderin ay sasamahan pa natin ito ng large french fries, mayroon pang dagdag na inumin.

At ngayong araw nga, July 13 ay tinaguriang National French Fry Day. At dahil napakahilig natin sa social media, puwedeng-puwede tayong mag-tweets at ipakita ang pagkahilig sa fries at gamitin ang special McDonald’s frymoji na @McDo_PH na lalabas kasama ang hashtags na #McDoFries  and #ISeeMcDoFries .

Sa mga french fries lovers, mayroong good news dahil maaari na kayong maging bahagi ng selebrasyon. Narito ang simpleng paraan:

SHARE YOUR FAVORITE FRIES COMBO

Pagdating nga naman sa pagkain, hindi nga naman tayo magpapahuli’t magpapatalo. Sa opisina man, restaurant, fast food o bahay, swak na swak sa ating panlasa ang fries. Puwede rin itong ipares sa kahit na anong klaseng pagkain at dessert.

Isa na nga si Vice Ganda sa nag-tweet at nagsabing ang sarap isawsaw ng fries sa sundae. Marami ang naka-relate sa tweet na ito lalo pa’t hindi ma-bilang ang nag-e-enjoy sa pag-dip ng fries sa sundae at iba pang klase ng inumin.

Marami nga namang paraan kung paano ibabahagi ang pagkain ng fries—kasama man ang fried chicken, sundae, steak o burger.

CREATE MOMENTS OVER FRIES

Ang F ay nanga­ngahulugang Fries. Pe­ro hindi lamang iyon, Family rin ang ibig sabihin ng F. Kaya naman sa true Filipino style, walang makahihigit na paraan kung paano ipag­diriwang ang National French Fry Day kundi ang ibahagi ang fries sa buong pamilya, gayundin sa mga ka-barkada o katrabaho. Maaaring ibahagi ang kanilang most memorable French fries stories gamit ang tweets at hashgtags. Puwede rin namang i-compile at mag-create ng Twitter Moments.

PAIR FRYMOJI WITH OTHER EMOJIS

Halos lahat nga naman ng pagkain ay swak na swak ipares sa fries. Dahil diyan, napakainam ding ipares  ng frymoji sa emojis. Sa pamamagitan ng emojis ay napagagan­da nito at mas nagkakaroon ng kakaibang emosyon ang tweets natin at nakapagbibigay ng visual appeal. Kumbaga, mas naipahihi-watig natin ang pagkagusto o pagmamahal natin sa French fries sa pamamagitan ng mga emojis.

Bukod din sa French fries emoji, may iba’t ibang food at beverage emojis na ginagamit ng bawat Filipino kapag pinag-uusapan ang katakam-takam na pagkain sa Twitter (1 January-10 July 2019):

Sa kabuuan naman, narito naman ang top emojis na ginamit ng ma­rami sa atin habang pinag-uusapan ang French Fries sa twitter (1 January-10 July 2019):

JOIN IN THE FUN!

Panghuli nga naman sa paraan upang makasali sa pagdiriwang ng National French Fry Day sa Twitter ay ang pagsali sa kasiyahan. Bantayan na ang mga kaabang-abang na mga pangyayari ngayong araw kasama ang mga fries-loving Tweeps kung paano ipag­diriwang ng bawat Filipino ang National French Fry Day.

Huwag na huwag ding kaliligtaang mag-tweets.

Wala nga namang pinipiling panahon at pagkakataon ang pagkahilig natin sa French fries o maging sa iba’t ibang pagkain. Kapag nag-crave nga na-man ng fries, speak out loud and Tweet it with #McDo­Fries  and #ISeeMcDo­Fries .

Happy National French Fry Day!

Comments are closed.