NATIONAL ID PRINTING MADALIIN-PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na bilisan ang pag-iimprenta ng digital version ng Philippine Identification System (Philsys).

“Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” atas ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Philysys.

Ginawa ng Pangulong Marcos ang kautusan na mag-imprenta ng maraming kopya at isunod na lang ang pisikal na ID sa pakikipagpulong nito kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng Philippine Statistic Authority (PSA).

Sa nasabing pulong ay natalakay ang ukol sa printing capacity kabilang na ang pagpasok ng mga datos at maging ang dami ng mga ito na mas kaunti kaysa inaasahan.

Naipaabot din sa Pangulo na naisa-ayos na ang pagpapadala ng mga impormasyon at datos sa Bangko Sentral ng Pilipinas mula sa PSA at tiniyak ng huli na tuloy tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa BSP upang mapabilis at maparami pa ang produktong at printing ng national ID.

Magugunita na ang dagsang mga nagparehistro ang naging sanhi ng problema sa mabagal na pag-iimprenta ng national iD cards. EVELYN QUIROZ