ISA nang ganap na batas ang Republic Act No. 11036 (National Mental Health Act) makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkoles, Hunyo 20.
Ang naturang batas ay nagtataguyod sa pagkakaroon ng mahusay na kalagayang pangkalusugan ng publiko partikular ang nasa oras, abot-kaya at mataas na kalidad ng mental health care sa bansa.
Ang mahigpit na implementasyon ng batas ay alinsunod sa itinatakda ng United Nations Declaration of Human Rights, Convention on the Rights of Persons with Disabilities at iba pang kalakip na international at regional human rights conventions at declarations.
Layunin ng batas na matugunan ang epektibong pagbalangkas ng national policies, starategies programs at regulations tungo sa mas komprehensibong national mental health care system sa bansa.
Nakasaad sa batas na ang local government units (LGUs) na bumalangkas ng akmang regulasyon at panuntunan para sa implementasyon ng epektibong mental health care at wellnes sa kani-kanilang mga nasasakupan at pagtiyak ng pagkakaroon ng mental health services sa mga ospital sa kanilang mga lugar.
Itinataguyod din sa batas ang pagtatatag ng Philippine Council for Metal Health na nasa ilalim ng Department of Health na siyang magsisilbing policy-making, planning, coordinating at advisory body na mangangasiwa sa pagtiyak na naipagkakaloob sa mga Filipino ang atensyong medikal sa integrated mental health service.
Ang sinumang mapatutunayan na lalabag sa batas na ito ay mahaharap sa hindi bababa sa anim na buwan hanggang dalawang taong pagkabilanggo o multa na hindi bababa sa P10,000.00 subalit hindi lalagpas sa P200,000.00 multa o parehong parusang ipapataw.
Ang nabanggit na batas ay magiging epektibo makaraan ang 15 araw na mailathala sa Official Gazette o sa dalawang newspapers of general circulation. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.