NATIONAL OPEN TAMPOK SA PSA FORUM

psa

TATALAKAYIN ang nalalapit na 2023 Philippine Athletics Championships sa Ilagan, Isabela sa pagbabalik ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.

Magiging panauhin sina Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) secretary-general Edward Kho at National Training Director Renato Unso sa 10 a.m. session para talakayin ang March 21-26 event na kilala rin bilang National Open.

Magbabalik ang Forum matapos ang isang buwang pahinga upang bigyang-daan ang pagdaraos ng 2022 SMC-PSA Annual Awards Night noong nakaraang linggo sa Diamond Hotel.

Ang weekly public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ito sa kanilang official Facebook page.