HINILING ni National Press Club President Rolando Lakay Gonzalo kay Civil Service Commission Chairperson Alicia Bala na magsagawa ng imbestigasyon sa posibleng paglabag ni Senate Secretary Myra Villarica sa Freedom of Information (FOI) Law at Code and Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713).
Ito ay kasunod ng naging aksiyon ni Villarica sa media request ni Dave Veridiano, kolumnista ng Balita hinggil sa hiling nitong karagdagang impormasyon ukol sa naging diskusyon ng Senado sa 2019 national budget na umano’y binalewala ni Villarica.
“This is to refer to your good office a letter complaint brought to our attention by a member of our profession referring to in action of the Senate Secretary Atty. Myra Villarica which we believe warrant an inquiry or investigation,” nakasaad sa liham ng NPC president.
Kung lumabas na guilty si Villarica sa pag-upo sa hiling ni Veridiano, posibleng maharap ito sa administrative disciplinary action, pagmulta, suspensiyon at maging pagkatanggal sa trabaho, depende sa resulta ng imbestigasyon ng CSC.
“The petitioner, Dave Veridiano, columnist of Balita, sought our attention with the prayer that his concern should be attended by the Civil Service Commission which is considered a watch dog of all government officials and workers,” nakapaloob sa liham ng NPC.
Si Veridiano ay unang sumulat kay Villarica noong Pebrero 26, 2019 na humihiling ng karagdagang impormasyon sa ‘institutional amendments’ na ginawa ng mga senador sa 2019 national budget. Sa nasabing sulat, binigyang diin ni Veridiano ang kahalagahan ng ‘transparency’ sa mga transaksiyon sa gobyerno, kasama na ang mga deliberasyon na ginagawa sa Senado. BENEDICT ABAYGAR, JR
Comments are closed.