NATIONAL RICE INDUSTRY STAKEHOLDERS CONFAB HELD IN ILOILO

NATIONAL RICE INDUSTRY STAKEHOLDERS CONFAB

NAGTIPON ang nasa 750 mga kaanib mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa kamakailan para sa dalawang araw na National Rice Industry Stakeholders Conference na nagsilbi ring simula ng gawain ng selebrasyon ng National Rice Awareness Month (NRAM) ngayon Nob­yembre.

Sa  kanyang paunang mensahe, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, na binasa ni  Assistant Secretary for Operations Dr. Andrew Villacorta, ang tema ng komperensiya na, “Empowering Rice Farmers Organizations Anchored on Value Chain System”, ay umaasa na makaipon ng maraming kontribusyon para mas lalong mapabuti ang Philippine Rice Industry Roadmap 2040 at baguhin sa ma­ayos ang mga programa, proyekto at inisyatibo sa ilalim ng programa ng bigas.

“Hopefully, our outputs would define appropriate technologies that will contribute to achieving the twin objectives of Masaganang Ani and Masa-ganang Kita,” sabi niya.

Ang iba pang layunin ay ang dagdag na partisipasyon ng mga kababaihan ng ilan pang mahinang sektor sa DA rice program at tukuyin ang mga lu-gar ng kooperasyon at sa mga grupo ng mga magsasaka at kooperatiba, at iba pang mga nakasasakop para lalong mapabuti ang pagiging epektibo ng implementasyon ng programa sa bigas.

Higit pa rito, binigyan ni Dar ng impormasyon ang mga kalahok ng  department’s accomplishments sa pagsuporta sa rice value chain.

Pagdating naman sa input subsistence na kaugnay ng paggamit ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), sinimulan ng DA ang pama-mahagi ng binhi at pagkuha ng ma­kinaryang pangsaka.

“These supports will be distributed to valida­ted farmers’ groups and cooperatives. Distribution of loans and rice to individual farmers and coopera-tives is also ongoing through the Landbank of the Philippines,” aniya.

May mga programa rin ang DA na target ang mga magsasaka na kulang sa irigasyon na bigyan sila ng oportunidad na lumipat sa mas mataas na uring pananim.

Higit pa rito, inihahanda ang unconditional cash transfer para tulu­ngan ang mga magsasaka dahil sa mababang pres­yo ng palay.

Para sa pagpapalawak at koneksiyon, umaasa ang ahensiya sa “greater private and public investments” ganu’n din sa paggawa ng available technical advice atsuporta sa agri-business at production at research and management.        PNA

Comments are closed.