NATIONAL SPORTS SUMMIT 2021 AARANGKADA NA

bong go

PANGUNGUNAHAN nina Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at House Committee on Youth and Sports chairman John Marvin ‘Yul Servo’ Nieto ang opening ceremonies ng National Sports Summit 2021 ngayong araw.

Ang Sports Conversations ay isang serye ng weekly conference-type online sessions na hinohost ng Philippine Sports Commission (PSC). Magsisimula ito ngayong araw via Zoom at tatakbo hanggang Mayo ng taong ito.

“We are thankful to Sen. Go and Chairman Nieto for their support. We know how much they value the role of sports in nation-building.” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“We hope that they will inspire our participants to excel also and make a difference in their respective fields,” dagdag ni Ramirez na magbibigay rin ng mensahe sa opener.

Ang NSS 2021 ay isang three-phased project na naglalayong kunin ang mga pananaw ng iba’t ibang sports stakeholder at gamitin ang mga ito bilang pundasyon sa paglikha ng sustainable at workable short to long-term plan para sa Philippine sports.

Ang lahat ng datos na makakalap sa Sports Conversations ay pag-aaralan para lumikha ng bagong set ng resolutions na ipiprisinta sa mga sports leader para aksiyunan ito.

Mahigit sa 700 participants ang nagparehistro online na kumakatawan sa national sports associations, local government units, government agencies, schools, colleges, universities, at  sports-interested parties.

Ang unang session ay tatampukan ni United Sports Academy (USSA) President T.J. Rosandich na tatalakayin ang Sports Success from a First World Perspective. CLYDE MARIANO

Comments are closed.