NATIONAL TASK FORCE PARA SA ELEKSYON PINAGANA NA

Chief Supt Benigno Durana-2

CAMP CRAME – INACTIVATE na ang National Task Force bilang paghahanda sa gaganaping eleksyon sa susunod na taon.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson, Chief Supt. Benigno Durana.

Aniya, kamakalawa ay nagsagawa na sila ng soft launch para muling paganahin ang National Task Force for Election.

Pinangungunahan aniya ito ng Commission on Elections (Comelec), subalit sinabi ni Durana na may kailangan pang  i- finalize bago lubusang mapagana ang buong national task force.

May mga  ilang components at elements pa aniya na kailangang mabuo para  sa security plan.

Ilan dito ay ang pag-a-update ng baseline data, katulad ng bilang ng mga private armed group, election hostpots at iba pa.

Maging ang panga­lan ng National Task Force ay pinag-­uusapan pa rin.

Sa panig ng PNP, pinangungunahan ni Police Director Mao Aplasca ang pagdedesisyon sa security plan para sa halalan bilang Directorate for Operation ng PNP.

Layunin aniya ng pagpapagana ng national task force ay upang matiyak na magiging payapa at ­maayos ang gaganaping halalan sa susunod na taon. R. SARMIENTO

Comments are closed.