NATIONWIDE CONSULTATIONS SA RICE TARIFFICATION

department of agriculture

MAGSASAGAWA ang Department of Agriculture (DA) sa susunod na linggo ng nationwide consultations upang maunawaan ng mga stakeholder ang mga nilalaman ng rice tariffication and liberalization law na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The face-to-face consultations will include leaders of rice farmers’ groups and other rice industry stakeholders, including feed millers who rely (on) the local supply of rice bran for their feed production. While the rice liberalization and tariffication law has been signed and could no longer be amended, the law requires consultations with the stakeholders to gather inputs which would contribute to the crafting of an IRR (implementing rules and regulations) needed to implement the law,” wika ni DA Secretary Em-manuel Piñol.

Ayon kay Piñol, ang pagdaraos ng nationwide consultations at information activities ay napagkasunduan sa isang pagpupulong ng DA regional directors ng  rice program committee, National Food Authority (NFA), Philippine Rice Research Institute (Phil-Rice), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), at ng iba pang ahensiya na may kinalaman sa rice program.

Ang unang consultation ay nakatakda sa Peb. 26 sa Philippine Carabao Center (PCC) compound sa Muñoz, Nueva Ecija para sa Northern Luzon cluster. Sakop nito ang  Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), at 3 (Central Luzon).   PNA

Comments are closed.