INATASAN ng Joint Task Force COVID Shield ang lahat ng police commanders na mahigpit na ipatupad ang smoking ban sa mga terminal ng pampublikong sasakyan at iba pang pampublikong lugar.
Ayon kay P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang naturang kautusan ay base sa inilabas na guidelines ni National Task Force on COVID-19 chairman at Defense Secretary Delfin Lorenzana para higit pang masawata ang pagkalat ng COVID-19.
“In this time of pandemic when the coronavirus targets the respiratory system, smoking is really dangerous not only to the smokers but also to non-smokers. Smoking in public places particularly bus, jeepney and tricycle terminals compromises the health safety of both the drivers and the passengers,” ani Eleazar.
Paliwanag ng opisyal, base sa mga health expert ang mga naninigarilyo at mga taong nakakalanghap ng second hand smoke mula sa sigarilyo ay lantad sa coronavirus infection dahil apektado na ang kanilang immune system .
Bukod dito, nakakatanggap din ng sumbong ang JTF COVID Shield na may drivers at passengers ang talamak na naninigarilyo sa PUV terminals lalo na sa mga lalawigan kung kaya’t pinakilos na ang mga police commander na bantayan ang smoking areas sa kanilang Areas of Responsibility (AORs).
Nauna nang ipinag utos ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pansamantalang pagsasara ng smoking areas sa lahat ng terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa banta ng coronavirus infection sa hanay ng mga naninigarilyo.
“There is already an existing Presidential Decree 26 signed by President Rodrigo Roa Duterte against smoking in public places. All our police commanders need to do is to ensure that it is strictly implemented in their respective AORs,” paliwanag pa ng heneral.VERLIN RUIZ
Comments are closed.