GOOD day, mga kapasada!
As always, dalangin po ng pitak na ito na ligtas kayo sa anumang kapahamakang dulot ng COVID -19 pandemic. Sana po, ngayong dumating na ang China-donated Sinovac vaccine sa bansa ay mabiyayaan tayo ng libreng bakuna na magliligtas sa atin sa nakahahawang sakit. Stay safe and God Bless us all. Para sa kabatiran ng iba pa nating mga kapasada na hindi nabigyan ng abiso ng kani-kanilang kinaaanibang asosasyon o kung kayo po ay may sariling pamasadang sasakyan, dapat pong mabatid ninyo sa pamamagitan ng pitak na ito na ang iba’t ibang samahan ay nagkasa ng nationwide transport holiday sa Marso 31. Ang diwa po ng ikinasang nationwide holiday ay para ihayag ang kanilang tandisang pagtutol sa napipintong phaseout ng jeepneys. Ito ang naging pahayag kamakailan ng koalisyon laban sa phaseout na binubuo ng iba’t ibang public utility vehicles (PUVs) groups na kinabibilangan ng Alliance of Transport Group Organization, Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide, Ugnayang JODA at Simbahan at UV Express Trinoma Federation.
Kung ito ay matutuloy, tiyak na paralisado ang biyahe ng mga karaniwang sasakyan ng masa, ang jeepney na sa napakaraming panahon ay nagdudulot ng pambansang ginhawa sa mga mananakay. Ang planong malawakang transport holiday ay kanilang ibinase sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa phaseout ng mga traditional jeepney at iba pang PUVs. Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng pamunuan ng nabanggit na mga asosasyon na sila ay magdaraos ng isang malaking assembly sa Holy Trinity Academy sa lungsod ng Quezon upang ipahayag sa mga mamamayan ang seryeng mobilization para sa ikakasang nationwide transport Holiday sa Marso 31, 2021.
Ang naturang transport holiday ay kanilang isasagawa upang ipadama ang kanilang pagtutol sa panukalang phaseout ng tradisyunal na jeepney.Kung babalikan natin ang kasaysayan ng jeepney, ito ay tinuklas ng magkapatid na Leonardo at Rafael Sarao pagkatapos World War II. Inumpisahan ng mga Sarao ang paggawa ng pampasadang jeep mula sa mga GI jeep na naiwan ng mga sundalong Kano sa Cavite na kung tawagin ay Sangley Point. Nagtayo rin ang mga Sarao ng kanilang planta sa Las Pinas at doon nagsimula ang malawakang produksiyon ng pampasaherong jeepney na dominante sa lansangan ang Sarao Liberator.
Ayon sa mga asosasyon ng jeepney drivers at operators, hinaing nila ang kung ano ang mangyayari sa libo-libong operators, drivers, mechanics, at kanilang mga pamilya sa oras na ipatupad na ang phaseout sa Marso 21, 2021. Saan pupulutin ang mga naapektuhan, samantalang hanggang ngayon ay walang malinaw na programa o anumang alternatibong program ang DOTr-LTFRB. Sa isang hiwalay na panayam, nagpasabi ang iba pang mga transport group na suportado nila ang mga programa at pagkilos na gagawin ng grupo laban sa phaseout ng mga traditional jeepney, UV Express at iba pang PUVs.
Kung itutuloy ng kinauukulang ahensiya ng transportasyon ang panukalang phaseout ng traditional jeepney, ito ay masasabing added burden sa mga benepisyaryo ng matandang industriya na hindi kailangan ang academic expertise sapagkat ito ay karaniwanghanapbuhay na pamana ng saling-lahi, lalo na sa panahong ang bansa ay dumaranas ng ibayong paghihirap sa buhay.
PANAWAGAN NA AMYENDAHAN ANG POLICY NG COLORUM DRIVERS SINUPORTAHAN NG PBOAP
Nagpahayag ng pagkakaisa ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) at ang Metro Manila Bus Association (MMBA) ng kasukdulang suporta para sa panukalang amyendahan ang colorum policy ng DOTr at LTFRB. “We agree with the pronouncement of Atty. Ariel Inton and Lawyers for Communters Safety aned Protection (LCSP),” pahayag ni Engineer Alex Yague, PBOAP Executive Director.
Binigyang-diin ni Yague na panahon na para maamyendahan ang unrealistic policy, lalo na at nasa panahon tayo ng pandemic. Ang MMBA ay naghain ng appeal sa DOTr at sa LTFRB na i-release ang lahat ng naka-impound na bus, taxi at van na hinuli sa paratang umano na ang mga ito ay bumib-iyahe kahit ang mga ito ay kolorum. Sinabi ni Yague na kawawa ang mga operator at mga bangko dahil nabubulok na lahat ang units.
Sa kabilang dako, maging ang Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) ay nakiisa na rin sa panawagan ni Atty. Inton sa mga concerned agancies na maamyandahan ang colorum policy. Kaugnay nito, si Inton at ang LCSP ay naghain ng kahilingan sa DOTr at LTFRB ng kagyat na pag-amyenda sa Colorum Policy under the Joint Administrative Order 2014-01 na ipinatutupad ng DOTr at LTFRB.
30 UNITS NG MAKABAGONG PUJ INILUNSAD SA PARAÑAQUE CITY
Pinangunahan ng LTFRB-NCR noong nakaraang Enero ang paglulunsad ng 30 OFG-Compliant Units ng makabagong public utility jeepneys sa lungsod ng Parañaque. Ito ay bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan sa pangunguna ng DOTr. Naging kabalikat ng naturang proyekto ang San Dionisio Transport Cooperative na sinasabing ang nabanggit na units ay bibiyahe sa rutang Baclaran-NAIA/Baltao. Kaalinsabay nito ang pagkakaloob ng provisional authority upang makapagbiyahe ang ipinamahaging bagong units ng PUV para sa kapakanang kaluwagan ng mga mananakay sa lungsod ng Parañaque. Kasama sa mga dumalo sa naturang okasyon sina Congressman Eric Olivarez ng Unang Distrito ng Parañaque at Mayor Edwin Olivarez na magkatuwang na nagpahayag ng kanilang puspusang pagsuporta sa programa ng PUVMP para sa kaluwagang kapakanang pagbibiyahe ng kanilang mga constituent na kung magugunita ay nagkandahirap sa masasakyan dulot ng ipinatutupad na pandemic protocols.Tiniyak naman ni Atty. Zona Russet Tamayo, Regional Director ng LTFRB-NCR na patuloy ang ahensiya sa pag-alalay sa San Dionisio Transport Cooperative at ipinagbigay-alam dito na laging bukas ang kanilang tanggapan at anumang oras at pagkakataon ay nakahanda itong sagutin ang ma katanungang nais nilang iparating. Ayon kay Atty. Tamayo, “Lubos naming pinasasalamatan ang mga opisyal at kasapian ng San Dionisio Transport Service Cooperative sa pamumuno nina Chairman Roberto Ochoa at General Manager Cora Cruz, gayundin ang Paranaque City Government, mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan na bahagi sa pagpapatupad ng PUVP, gayundin ang mga pribadong institusyon na nagsipag-alay ng kanilang mahalagang tulong upang mapabilang sila sa hanay ng mga transport cooperative na may makabagong sasakyan sa ilalim ng PUVMP.
HILING NG COMMUTER ADVOCATE, PARUSA SA COLORUM NA DRAYBER SUSUGAN
Nanawagan ang isang commuter at transport advocate sa DOTr na susugan ang itinuturing nitong matinding parusa sa mga colorum na drayber sa ila-lim ng Joint Admionistrative Order 2014-001. Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Inton na panahon na para rebisahin ang multa at parusa sa mga colorum na drayber na nahuhuling namamasada.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING AND STAY SAFE ALWAYS!
674633 711048Yeah bookmaking this wasnt a speculative decision outstanding post! . 860106