ISA pang gold-medal winning team ang bibisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Magiging panauhin sina national bowlers Art Barrientos, Marc Custodio, at Stephen Diwa sa weekly session upang talakayin ang kanilang katatapos na kampanya sa 21st Asian Youth Tenpin Bowling Championships sa Thailand kung saan nagwagi ang Pilipinas ng dalawang gold medals.
Ang isa pang bahagi ng public sports program na magsisimula sa alas-10 ng umaga ay tatampukan ng Philippine Skating Union na kakatawanin ng president nito na si Nikki Cheong at ni national head coach Abraham Domdom.
Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ang session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.