MANDALUYONG CITY-TINIYAK ni National Center for Mental Health (NCMH) Chief, Dr. Roland Cortez na handa sila para asikasuhin ang kanilang inaalagaang ‘special patient sa kanilang pasilidad.
Ito ay sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) at pagpapairal ng extended enhanced community quarantine kung saan ang pasilidad nila ay bahagi ng Metro Manila.
Sa virtual presser kahapon, inamin ni Cortez na sa 3,200 pasyente nila, 17 ang dinapuan ng nasabing sakit.
Gayunman, kanila na itong inihiwalay ng kuwarto upang hindi na makahawa pa.
Aniya, dahil hindi naman maaaring isama sa mga designated and COVID-19 referral hospital ang kanilang pasyente, naghanda sila ng isang lugar kung saan doon ia-isolate ang mga nahawa ng sakit na asymptomatic at may mild symptoms.
“Sa lugar o isolation room ay naglaan kami ng 100 beds para sa aming mga pasyente na hindi naman maaaring ihalo sa regular patient ng COVID-19,” ayon sa dalubhasa.
Samantala, patuloy din aniya ang kanilang programa upang maiwasan ang depresyon ngayong EECQ dahil karaniwang nagiging problema kapag naiinip na ang indibidwal ay depresyon habang normal din ang tumaas ang antas ng takot dahil sa nasabing sakit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.