NAKATAKDANG simulan sa susunod na linggo ang pilot testing ng national identification system (ID).
Limitado lamang sa hanggang 10,000 na indibidwal ang mairerehistro para sa pagsisimula ng naturang proyekto.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) chief at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, simula Setyembre 2 hanggang Disyembre isasagawa ang nasabing pilot testing.
Dito nila titingnan ang mga magiging aberya para agad na maayos sakaling tuluyan na itong ipatupad sa mga susunod na taon.
Sakaling walang maging problema sa pilot testing ay agad nilang aasikasuhin na mairehistro ang may 50 milyon na ma-mamayan sa bansa sa taong 2020. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.