NAT’L OPEN AARANGKADA NA

Ayala Alabang National Open Athletics

ILAGAN – Simula na ang mainit na bakbakan sa oval, tampok ang Filipino-Americans at SEA Games-bound athletes, gayundin ang home grown talents at mga atleta mula sa Singapore at Malaysia, sa paglarga ng Ayala Alabang National Open Athletics ngayong araw sa Ilagan Sports Complex dito.

Nasa 20 gold medals ang paglalabanan simula sa alas-6 ng umaga.

Ang 10 golds ay sa women sa 100m, 100m hurdles, 200m, 400m, 400m low hurdles, 4x100m relay, 4x400m relay, 800m, 4x100m mixed relay, at 4x400m mixed relay. Sa men ay tatlo sa 800m, 4x100m relay at 4×100 mixe3d relay, habang sa boys ay dalawa sa 4x100m mixed at 4x400m mixed relay. Ang limang golds sa girls ay sa 800m, 400m hurdles, 4x100m relay, 4x100m mixed at 4x400m mixed relays.

Itataya ni dating SEA Games Century dash queen Kayla Richardson ang kanyang international credentials laban sa mga lokal na mga katunggali mu-la sa UAAP at NCAA, at mga atleta galing sa Singapore at Malaysia.

Magpapasiklab din si Carter Lily sa 800m sa una niyang pagsabak sa taunang torneo na inorganisa ng PATAFA at sinuportahan ng Philippine Sports Commission.

Si Brazil Olympian at London World Athletics veteran Eric Shawn Cray ay tatakbo sa Day 2 kung saan inaasahan na mananalo ang 30-anyos na Fil-Am na nakabase sa El Paso, Texas, USA dahil sa kanyang malawak na karanasan.

“I have to run my best out there to avoid getting upset,” sabi ni Cray, reigning Asian Athletic champion.

Hawak ni Cray, dating SEA Games king of sprint at Asian Games campaigner, ang personal best 49.6 seconds sa 400m hurdles na naitala sa  Japan Invitational Athletics.

Ang iba pang Fil-Ams ay sina Natalie Uy, Alyana Nicolas, Thomas Morrison, Kristina Knott at Anthony Trenten Beram.

Mahigit 800 atleta, kasama ang Fil-Ams, ang kalahok sa tatlong araw na torneo.

Kasama sa mga prominenteng local athletes sina SEA Games decathlon champion Aries Toledo, triple jump champion Mark Harry Diones, pole vault champion Ernest John Obiena, marathon champion Mary Joy Tabal, Marco Vilog, Immuel Camino, at Anfernee Lopena.   CLYDE MARIANO

Comments are closed.