NAT’L OPEN: ILAGAN OVERALL CHAMP

Mark Harry Diones

ILAGAN – Muling pinatunayan ni Mark Harry Diones na siya ang undisputed ruler sa triple jump at itinanghal si Vince Jayson Buhayan bilang most bemedalled athlete na may perfect 3-for-3 sa National Open Athletics dito.

Inangkin naman ng host Ilagan ang overall championships na may 42 medalya, kasama ang 17 ginto.

Dinomina ni Diones, two-time NCAA MVP, ang triple jump sa 16.08 meters habang namayani ang anak ng tricycle driver sa Iloilo na si Buhayan sa 100m, 200m, at 400m upang tanghaling prinsipe ng sprint.

Sa masusing gabay nina coach Mike Valenzuela at national coach at high jump record holder Sean Guevarra, im-presibong tinalo ni Buhayan, nag-wagi ng limang golds sa Western Visayas Regional meet, ang kanyang mga kalaban sa tatlong events.

“Hindi ko akalain na mananalo ako sa tatlong events dahil ngayon lang ako sumali at hindi ko kilala ang mga kalaban ko,” sabi ni Buhayan.

Samantala, inangkin ni UP pride Erwin Mancao ang pangalawang ginto sa 5000m meters sa oras na 16:27.46 matapos na dominahin ang 1500m sa 4:08.60 seconds. Namayani naman si Sarah Dequinan sa seven-event heptathlon women sa pagkolekta ng 4,514 points.

Tulad ng inaasahan ay wagi si Brazil Olympian at dating SEA Games ‘King of Sprint’ Eric Shawn Gray sa 200m sa oras na 21.92 seconds, kung saan ginapi niya sina Singaporeans Mohammad Irfan Qabeel Daud at Yann Guang Marcell Tan, na kinuha ang pilak at tanso sa oras na 22.59 at 22.88 seconds, ayon sa pagkasunod.

Nilapatan ng kulay nina Michael del Prado, Francis Medina, Eloisa Luzon at Filipino-American Robyn Brown ang tagumpay ng host city sa mixed relay sa oras na 3:33.44 seconds. Tinalo nila ang army quartet nina Mary Anne Crishelle Perez, Aris Africa, Racel Pardillo, at Crislyn Jaro na naorasan ng 4:03.61 seconds, at ang quartet nina Mari Anne Chrisylle Perez, Aris Africa, Racel Pardillo at Crisylen Jaro na may 4:03.61 seconds.

Sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico na satisfied siya sa kinalabasan ng tatlong araw na kumpetisyon at pi-nasalamatan niya ang lahat ng personalities at entities na naging bahagi ng torneo.

“I expressed my heartfelt gratitude to Mayor Diaz, Ayala Sports Foundation and other entities for their unwavering support to ensure the success of the competition,” sabi ni Juico.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.