IFUGAO – NASA kaniyang bahay na ang bise alkalde ng bayan ng Tinoc na una nang napaulat na nawawala noong Hulyo 19.
Nabatid na natagpuan at maayos ang lagay ni Vice Mayor Fernando Gapuz sa pamamagitan ng post sa social media ng kanyang anak.
Nang isinusulat ang balitang ito ay nagpapahinga na sa kanilang bahay sa Impugong sa nasabing bayan si Gapuz.
Sa statement ng pamilya Gapuz, lubos ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong para matagpuan ang kanilang ama.
Tumanggi naman ang Tinoc Municipal Police na magbigay ng karagdagang impormasyon ukol sa isyu.
Gayunman, sinabi nila na patuloy ang pag-imbestiga nila sa tunay na nangyari sa nasabing opisyal dahil magulo pa ang mga detalye.
Una nang nagtungo si Gapuz sa Benguet para sa isang official business kung saan sumakay ito ng pampasaherong bus at bumaba sa Abatan, Buguias.
Huling nakita sa footage ng closed circuit television camera ang pagtungo ng bise alkalde sa Mankayan, Benguet, hanggang sa hindi na ito natagpuan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.