PUMALO sa 150,804 million standard cubic feet (MMcf) ang natural gas output ng bansa noong nakaraang taon, mas mataas sa 139,209 MMcf na naitala noong 2017, ayon sa Department of Energy (DOE).
Dahil dito ay umabot ang total output magmula noong 1994 sa 2,093,564 billion cubic feet (Bcf).
Sa nasabing bilang ay nasa 145,273MMcf ang nakonsumo ng power at industrial sectors.
Ayon sa DOE, nasa 142,723MMcf ang ginamit para palakasin ang power generation ng bansa, nangangahulugan na ang gas ay napunta sa paggamit sa power generation.
Samantala, nagamit naman ng industrial sector ang 2,550 cubic feet.
Ang transport industry ay walang nakonsumong natural gas.
Noong 2017, ang natural gas output ay umabot sa 139,209 MMcf, bahagyang bumaba mula sa 140,516 MMcf na naitala sa sinundang taon.
Sa naturang bilang, nasa 132,256 MMcf ang kinonsumo para sa power-generation, habang ang industrial sector ay may 2,255 cubic feet.
Mula 1994 hanggang 2018, lumitaw sa parehong datos na ang output ay umabot sa 2,093,564 Bcf, habang ang consumption ay nasa 2,017,258 Bcf.
Sa loob ng 24 taon, ang natural gas consumption para sa power generation ay may kabuuang 1,980,595Bcf, kung saan 36,479MMcf ang para sa industrial sector; at 184 cubic feet para sa transport sector.
Ang datos mula 1994 hanggang 2008 ay kinabibilangan ng gas production mula sa San Antonio gas field.
“State-owned Philippine National Oil Company (PNOC) retired its San Antonio gas field in Isabela after 14 years of operation. PNOC had said the three-megawatt (MW) power plant was shut down on July 31, 2008 since the well could no longer supply the required amount of gas to keep the power plant running,” ayon sa DOE.
Ang San Antonio gas power plant ang unang natural gas power plant sa bansa. Ang planta ay pinagningas ng natural gas na nagmumula sa San An-tonio gas field, na na-drill noong 1991 at nakumpirmang naglalaman ng hanggang four billion cubic feet of gas. Kinomisyon noong 1994, ang power plant ay nakalikom ng 187.48 gigawatt-hours ng koryente, habang ang well ay nagprodyus ng 3.54 billion cubic feet ng natural gas.
Kabilang din sa datos ang produksiyon mula sa Libertad gas field, na sinimulan ang commercial operation noong Pebre-ro 3, 2012 subalit naghihintay lamang ngayon ng final notice of abandonment.
Comments are closed.