NATURALIZATION NG 2 FOREIGN PLAYERS APRUB NA SA KAMARA

Senate Majority Leader Migz Zubiri

LUSOT na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang magkahiwalay na bills para sa naturalization ng dalawang foreign players na maaaring magpalakas sa Philippine men’s football at basketball teams sa hinaharap.

Inaprubahan ng Kamara ang pagkakaloob ng Filipino citizenship kay United City striker Bienve Marañon at Ateneo center Ange Kouame.

Una nitong pinagtibay sa  final reading ang House Bill (HB) 8631 na humihiling sa naturalization ni Marañon, kung saan bumoto ng ‘yes’ ang 206 congressmen.

Kasunod nito, na may 210 yes votes, ang HB 8632, na nagtatakda ng naturalization ni Kouame.

Ang naturalization process ay lilipat na sa Senado kung saan inihain din ang magkahiwalay na bills.

Inihain ni Senator Migz Zubiri ang Senate Bill (SB) 1391 para sa naturalization ni Marañon habang iniharap ni Senator Sonny Angara, na siya ring chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang SB 1692 para sa kaso ni Kouame. PNA

Comments are closed.