KILALA bilang isang agricultural country ang Pilipinas.
Pero umaangkat tayo ng iba’t ibang mga produkto sa ibayong dagat, kasama na riyan ang galunggong na itinuturing na “poor man’s fish”.
Sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), problema naman daw ngayon ng bansa ang mataas na freight costs.
Kaya namemeligrong maantala ang importasyon ng 60,000-metric ton (MT) ng small pelagic fish tulad ng galunggong.
Ibinala kasi ng industry players na maaaring hindi nila masagad ang inaprubahang import volume dahil nasa P90 hanggang P100 ang kada kilo raw ng isdang ito na mas mataas kumpara sa required wholesale price na nasa P88 bawat kilo.
Sabi ni Francisco Tiu Laurel Jr., presidente ng Frabelle Group, matinding pagkalugi ang sasapitin nila kapag itinuloy nila ang lahat ng importasyon.
Kung mataas daw ang kasi ang angkat nila, aba’y hindi na nila mahahabol ang P88 bawat kilo o mas mababa pa na requirement ng Department of Agriculture (DA) sa mga importer.
Kapag nagkataon, parang kumuha lang daw sila bato at pinukpok sa ulo nila.
Matindi raw ang kinakaharap na shipping problems ng mundo, kasama na nga riyan ang mahal na freight costs at kakulangan ng containers.
Aba’y kung ganoon, malabo nga nilang maabot ang wholesale price condition ng DA.
Halimbawa, kung manggagaling sa China ang isda, naging triple raw ang halaga ng biyahe kada kilo o naging P15 na ito mula sa dating P5 lamang.
Sa isang forum ukol sa usapin, nagbigay din ng pahayag si Rosanna Bernadette Contreras, executive director ng Socsksargen Federation of Fishing & Allied Industries Inc. at kinatawan ng aquaculture sector ng NFARMC.
Aniya, sa pagtaya ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), ang supply deficit para sa ika-apat na quarter ng taon ay nasa 45,000 MT hanggang 50,000 MT, maliban sa buffer volume na 15,000 MT.
Inirekomenda ng grupo ni Contreras ang 30,000-MT import volume ngayong 2021 sapagkat kaya namang punan ng aquaculture sector ang supply gap sa pagsasara ng fishing season.
Kung matatandaan, matagal nang inaprubahan ng DA ang importasyon ng galunggong sa bansa para hindi naman tayo kapusin ng supply at maiwasan daw ang pagsirit ng presyo nito sa merkado.
Naturingan tayong agrikultural na bansa at napapaligiran ng mayamang karagatan pero ang bigas at pang-ulam na isda ay nanggagaling pa sa ibang bansa.
Ang DA pa talaga ang pursigidong umangkat ng galunggong.
Nakapagtatakang pag-aangkat daw ang inaatupag sa halip na i-promote ang sariling huling isda.
Ang gusto lang din naman daw ng ahensiya ay patatagin ang presyo ng isda sa pamilihan at paramihin ang supply sa bansa lalo’t taon-taon daw kasi ay inihihinto ang paghuli sa mga galunggong.
Para sa mga taga-DA, walang masama sa pag-i-import ng galunggong sapagkat hindi naman daw maaapektuhan ang mga lokal na mangingisda.
Well, hindi ko talaga makita ang punto nila kung bakit kailangan pang umangkat ng galunggong.
Kahit saang anggulo tingnan, ang mga mangingisdang Pinoy ang tinatamaan nito.
Ang masaklap, mas mura ang imported na galunggong kumpara sa lokal.
Kaya tila lalo pang kinakawawa ang mga sariling mangingisda dahil halos wala nang bumibili sa kanilang huli.
205932 328800Oh my goodness! a amazing post dude. Thanks Nonetheless My business is experiencing concern with ur rss . Do not know why Struggling to join it. Is there anybody acquiring identical rss concern? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 133678
551744 924348So, is this just for men, just for females, or is it for both sexes If it s not, then do women need to do anything different to put on muscle 814826
779742 976490youve gotten an crucial weblog correct here! would you wish to make some invite posts on my weblog? 971914