(Naudlot dahil sa ECQ) PELIKULANG ‘MALVAR, TULOY ANG LABAN’ KASADO NA

IPINAHAYAG ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., Founding Chairman of the Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino, 1896 (KAANAKbuzzday 1896) at apo ng magiting na bayaning si Hen. Miguel Malvar sa bisperas ng pagdiriwang ng Independence Day, na nararapat nating gunitain ang mga Visayan heroes and patriots sa pagsariwa sa ating alaala ng Liberation of the Visayas mula sa Colonial Spanish rule noong ika-9 ng Nobyembre, 1898.

Mapanonood ang kasaysayang ito sa movie-documentary film na  “Malvar, Tuloy Ang Laban” ng JMV Film Production, kung saan si Villegas ang producer. Gagampanan ni Sen. Manny Pacquiao ang papel ni Malvar.

Ayon kay Villegas, “Ang 1896 Philippine Revolution ay napagwagian sa Negros Occidental sa pagkakatulad sa EDSA Revolution noong 1986. Noong ika-5 ng Nobyembre, 1898, sa pamumuno ni Hen. Miguel Malvar, pagkatapos ng bigong Pact of Biak na Bato na nagresulta ng patuloy na digmaan laban sa Spanish Colonial Rule, si Malvar ay naatasan ni Hen. Emilio Aguinaldo na ipagpatuloy ang pagiging Commander of the Visa­yan Command. Tinipon ni Malvar ang mga lider ng Visayan Revolt kasama ang libo-libong hacienderos and peasants na nag-alsa sa pamamagitan ng massive protest na nagpasuko sa mga Spanish Commanders sa pag-aakalang wala silang laban sa maraming rebolusyonaryo na ang armas at kanyon ay puro peke!”

Bilang chairman-president ng Labor Party Philippines (LPP) and founder of the Citizens Crime Watch (CCW), sinabi ni Villegas na maaaring nagbago ang kasaysayan kung hindi dahil sa Sinco de Noviembre Revolt na naging matagumpay tulad ng EDSA Revolution.

“12 days later, sa Ilo­ilo Revolt sa pamumuno ni Gen. Martin Delgado, sumunod ang Cebu sa pamumuno ni Hen. Mateo Luga, at iba pang Revolts sa Visayas at Mindanao. Bilang paggunita sa historic events, sa marker that was unveiled sa Bacolod sa mismong lugar kung saan naga-nap ang pagsuko noong ika-5 ng Nobyembre, 1898.” dagdag ni Villegas. Ang pagpirma sa kasunduan ng pagsuko bilang katapusan ng Spanish Rule sa Negros ay naganap sa Luzurriaga Residence.

Dagdag ni Villegas, “kinikilala rin ni Hen. Malvar bilang bahagi ng tagumpay laban sa Spanish Forces sa Negros ang magigiting na Heneral na sina: Aniceto Lacson, Juan Araneta, Jose Montilla, Leandro Locsin, Julio Diaz at Simeon Lizares.”

Ang chairman of National Commission na si Vicente Del Carmen ang sumulat sa Caltex Phlippines Inc,  noong 100 year Birth Anniversary ni Hen. Malvar noong ika-27 ng Setyembre, 1965, na si Hen. Malvar ay inatasan ni Hen. Aguinaldo noong 1897 bilang Commander in Chief of Luzon area and Visayan territories kasama sina Gen. Aniceto Lacson and Gen. Juan Araneta sa mga nagplano ng kilusan para sa liberation ng kalakhang Visayas.

Ang pagsasapelikula ng “Malvar, Tuloy Ang Laban” ay magpapakita ng mga totoong kaganapan tulad nang mga naikuwento sa itaas. Pangungunahan ito ni Manny Pacquiao bilang Hen. Malvar, at tatampukan ng malalaking bituin at malalaking personalidad ng politika. Mula ito sa direksyon ni Jose ‘Kaka’ Balagtas.

ABISO NG KAPUSO: MAG-RESCAN NG DIGITAL TV BOX SA JUNE 12

NAG-ABISO  ang Kapuso sa  mga gumagamit ng digital TV box na mag-rescan simula ngayong araw, June 12, 2020 para mapanood nang gmamas malinaw at mas makulay ang GMA, GMA NEWS TV, at ang bagong Kapuso channel na ating mamahalin, ang HEART OF ASIA!

Gamit ang remote control, gawin lang ang sumusunod:

Pindutin ang “Menu” at pumunta sa “Settings;”

Sa “Installation”, piliin ang “Factory Default” at pindutin ang “OK”.

Kapag lumabas ang “Input Password”, ilagay ang 0-0-0-0 gamit ang inyong remote control at piliin ang “YES” para kumpirmahin ang facto-ry default.

KUNG hindi naman lumabas ang “Input Password”, piliin na agad ang “YES” para kumpirmahinang factory default.

Piliin naman ang “Auto Scan” o “Auto Search” at pindutin ang “OK.”

Hintaying matapos at lumabas ang “Search Completed” at pindutin ang “OK” o “Exit”

Hanapin ang GMA, GMA NEWS TV, at HEART OR ASIA gamit ang up and down buttons ng remote control.

Hindi na kailangang mag-rescan ang cable or satellite subscribers. Para naman sa Digital TV users, kailangan ding mag-rescan ng TV.

Para sa karagdagang katanungan, tumawag sa  hotline numbers: 8462-8177 o kaya 8982 -7777 local 7046 from 9AM to 6PM. O mag-email sa [email protected]. Maaari ring pumunta sa facebook.com/gmatvsignal or sawww.gmanetwork.com/digitalhowto.

Comments are closed.