NAULILA NG CAFGUs MAY CASH ASSISTANCE

CAFGU-3

PROVINCE – MAKATATANGGAP ng tig-P200,000 ang mga naulila ng limang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na kasamang natabunan sa pagguho sa Natonin.

Ayon kay Lt. Col. Rembert Baylosis, commander ng 77th Infantry Battalion, Philippine Army, ilalaan ito bilang financial assistance sa naulilang pamilya ng mga biktima.

Sa ngayon, kinukumpirma pa rin ng militar ang pagkakaki­lanlan ng mga CAFGU officer dahil may isa pa rin daw na hindi pa nakikita mula sa kanila.

Kaugnay nito, nagpaabot na ng pakikiramay si Maj. Ericson Bulusan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.    VERLIN RUIZ