NAVAL BASE SA CEBU POPONDOHAN NG P1 BILLION

Rafael Ramos Naval Base

ISANG bilyong piso ang ibubuhos ng pamahalaan para sa upgrading at iba pang mga pagbabago sa  Rafael Ramos Naval Base sa Lapu-Lapu City, Cebu para magamit na daungan ng malala­king barkong pandigma at ng paparating na Frigate na binili ng Philippine Navy (PN).

Ayon kay PNP spokesperson Cmdr. Jo­nathan Zata,  pinasimulan na ang bidding process kasabay ng pag-a-apply nila ng Environmental Compliance Certificate.

“Kaya naman itinuloy ang project na iyan, although, matagal na iyan kung tutuusin, intended for our frigates, we’re expecting our frigates to be here by  (year) 2020, para mayroon  na tayong pier or wharf na madidikitan para sa bagong frigates natin,” pahayag ni Zata.

Ito rin, aniya, ang magiging kauna-unahang naval facility na may kakayahang pagdaungan ng malalaking barkong pandigma.

Nakapaloob sa improvements para sa Naval Base Rafael Ramos ang dredging, primary and secondary roads, drainage systems, proposed slope protections,  152 meter by 12 meter wharf,  105 meter by 165 meter beaching ramp, at 225 meter by 20 meter berthing area.

Matatanggap ng Philippine Navy ang ­unang delivery ng binili nilang 2,500 gross-ton two-missile-armed frigates mula Hyundai Heavy Industries sa taong 2020 habang sa susunod na taon naman ang delivery ng ikalawang barko.

Sa kasalukuyan ay nakikigamit lamang sa Subic Bay at Pier 13, Manila South Harbor ang Hukbong Dagat para pagdaungan ng kanilang mga barko. VERLIN RUIZ

Comments are closed.