NAGSUMITE na rin sina Gilas Pilipinas pool members William Navarro at Jaydee Tungcab ng kanilang aplikasyon para sa nalalapit na PBA Draft.
Sina Navarro at Tungcab ang pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga aspirant na lumobo na sa 80 hanggang noong Lunes.
Ang 23-anyos na si Navarro ay isang 6-foot-6 center na naglaro sa second window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain noong nakaraang Nobyembre.
Sumabak siya sa 93-61 panalo ng Gilas kontra Thailand at nagtala ng 4 points, 1 rebound, at 1 steal sa 16 minutong paglalaro.
Si Navarro, na lumaki sa Athens, ay isa sa smartest big men sa kolehiyo ngayon kung saan malaki ang naiambag niya sa perfect 16-0 record ng Ateneo Eagles sa UAAP Season 82.
Nagposte siya ng 7.3 points sa 44-percent shooting, 5.6 rebounds at 1.3 assists sa 21.3 minuto para sa Blue Eagles sa ka-nilang three-peat run noong 2019.
Samantala, ang 24-anyos na si Tungcab ay isang mahusay na guard mula sa University of the Philippines.
Gayunman, ilang minuto lamang siyang naglaro sa kanyang huling season sa Fighting Maroons, na may average na 1.3 points at 1.1 rebounds sa loob ng 6.3 minuto noong nakaraang lUAAP Season 82.
Si Tungcab ay pinatawag din para sa national team duty at naglaro ng 10 minuto sa 93-69 panalo ng Filipinas kontra Thailand noong nakaraang Nobyembre.
Bukod sa dalawa, nagpasa rin ng application form si dating national youth team member Jordan Heading.
Kinatawan ng Fil-Aussie gunner ang bansa sa 2011 Fiba Asia Under-16 Championship sa Nha Trang, Vietnam kasama sina Isaac Go, Prince Rivero, at Jjay Alejandro sa ilalim ng patnubay ni coach Olsen Racela.
Si Heading, 24, ay huling naglaro para sa pSan Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League (ABL) kung saan may average siya na 7.9 points sa 36-percent clip mula sa 3-point area, 2.9 rebounds at 1.8 assists bago nakansela ang regional league dahil sa COVID-19 pandemic.
Nagsumite rin ng aplikasyon sina Far Eastern University defender Alec Stockton at Fil-Am guard Mikey Williams kung saan umaasa silang matatawag ang kanilang pangalan sa March 14 proceedings.
Ang PBA ay tumatanggap pa ng applications para sa draft hanggang sa Miyerkoles.
Comments are closed.