NAVOTAS AT VALENZUELA WALANG CHRISTMAS PARTY

Mayor Toby Tiangco.jpg

INANUNSYO nina Navotas Mayor Toby Tiang­co at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na wala munang magaganap na Christmas Party ang kani-kanilang empleyado sa City Hall dahil na rin sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Anila, hindi magiging rasonable kung makikitang nagpa-party at nagkakasayahan ang mga ito habang batid ng lahat na mas maraming mamamayan ang patuloy na naghihirap at nagtitiis dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

“In Valenzuela, we are cancelling all Christmas parties because these are hard economic times. We know many of us are affected by the pandemic so it would not look good that while most of our fellowmen are suffering, they see their public servants holding parties,” ani Gatchalian.

Sinabi pa nito, makakatipid ng P5 million ang kanselasyon ng Christmas party at magagamit ito ng lungsod para pantulong sa mga mahihirap na residente at sa programa laban sa COVID-19.

Ayon naman kay Tiang­co, imposibleng masusunod ang social distancing kung papayagang mag-Christmas party ang mga empleyado at mas madali pa itong pagmulan ng hawaan ng COVID-19.

Sa katunayan at bilang pagpapakita ng tamang ehemplo,aniya, wala rin magaganap na Christmas party sa kanyang pamilya at mga kapatid.

“Since everything starts in the family and it is where chances of transmission are higher so discip­line must start here (fami­ly) and this cancellation would also serve as a preventive health measure,” ani Tiangco.

Iginiit ng dalawang alkade, malinaw ang kanilang utos lalo sa mga department head na walang lalabag sa kautusang wala munang Christmas party at sa halip istriktong sundin ang mga pinag-uutos ng pamahalaan upang tuluyang maiwasan ang COVID-19. EVELYN GARCIA

Comments are closed.