Navotas Food Hub Community inendorso ang mga Tiangco

INIHAYAG  kamaikailan ng Navotas Food Hub Community ang pagendorso sa kandidatura nina John Rey Tiangco bilang alkalde at Toby Tiangco bilang kinatawang sa Kongreso sa Lungsod ng Navotas dahil sa walang sawang pagsuporta nila sa mga maliliit na Negosyo sa pagkain.

Ayon kay Marvin Robles na kinatawan ng Navotas Food Hub Community Page sa Facebook na may 54,000 na miyembro, binibigyan nila ng halaga ang pagtulong ng magkapatid na Tiangco sa mga maliliit na negoyanteng tulad nila.

“Nakita po naming patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Toby at John Rey na nakakatulong po ng malaki sa mga Navotenong nasa negosyo ng kainan katulad namin,” sabi ni Robles.

“Wala na pong dapat baguhin sa Navotas dahil patuloy ang pagunlad ng Navotas at ang buhay ng mga Navoteño. Marami pa silang plano upang mas gumanda ang buhay ng mga Navoteno at lumago ang mga maliliit na negosyante,” dagdag pa ni Robles.

Mahigit sa 700 na silog ang ibinahagi ng Navotas Food Hub Community sa mga Navotas Frontliners sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Navotas noong ika-9 ng Abril bilang pagpapasalamat at parangal sa kabayanihan nila noong kainitan ng pandemya.