NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO

UPANG panatilihin ang kaligtasan ng mga residente mula sa COVID-19, nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng paghihigpit sa mga papasok na biyahero na magmumula sa labas ng NCR Plus.

Ang paghihigpit ay para sa essential at non-essential travels ng mga indibiduwal na magmula sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

Ang bibisita sa Navotas ay kailangan magparehistro sa s-pass.ph at magsumite ng mga dokumento tulad ng health declaration o medical certificate mula sa health office ng kanilang lugar na pinagmulan na nagpapatunay na ang mga biyahero ay hindi COVID patients o pinaghihinalaan o maaaring may kaso.

Kailangan din nilang magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR swab test, isang barangay cetificate na nagsasaad na hindi sila kinakailangang sumailalim sa quarantine o nakumpleto na ito at ang buong address ng kanilang pupuntahan sa Navotas.

“The travel restriction is a precautionary measure to ensure that we will not suffer again another surge of COVID cases. We saw an influx of cases and high transmission rates in places outside of NCR Plus. We need to implement additional safeguards to keep our people safe,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ayon sa report ng OCTA Research, ang Navotas ay nakapagtala ng mababang number ng bagong kaso kada araw noong Hunyo 25 hanggang Hulyo 1 kabilang sa Metro Manila Cities.

Hanggang Hulyo 6, ang Navotas ay may kabuuang 11,088 COVID-19 cases, 10,619 ang mga gumaling, 371 ang namatay, at 98 ang active.

Ang S-PaSS ay isang online travel management system na binuo ng Department of Science and Technology (DOST) na nagsisilbing isang online communication at coordination platform para sa mga local government units, monitoring agencies at travelers. EVELYN GARCIA

39 thoughts on “NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO”

  1. 22507 151845Oh my goodness! an incredible post dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone finding similar rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 438301

Comments are closed.