PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey M. Tiangco, kasama sina Vice Mayor Clint Geronimo, Punong Baranggay Malou Gonzales at iba pang opisyal ng lungsod, ang pagpapasinaya sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Brgy. Bagumbayan North (BBN).
Nakipag-ugnayan ang Navotas sa GAIA at Mother Earth Foundation para sa pagpatutupad ng Zero Waste Program, kasama ang pagtatatag ng mga MRF.
Ang GAIA ay isang worldwide alliance na may higit na 600 grassroots groups, non-government organizations at mga indibidwal na nangunguna sa pagkilos tungo sa isang zero waste world.
Sa kabilang banda, ang Mother Earth Foundation ay nakikipagtulungan sa mga komunidad, mga paaralan, at mga pribadong institusyon sa Filipinas para sa pagsasagawa ng mga zero waste project.
Inobserbahan ng parehong organisasyon ang implementasyon ng BBN ng door-to-door sorted waste collection at ang pagpapatupad nito ng mga batas pang-kalikasan, kasama ang mga deputized eco-police ng Navotas City Environment and Natural Resources Office.
Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t ibang bansa tulad ng South Africa, Tunisia, Ghana, Indonesia, India, Morocco, Vietnam, Albania, Tanzania, Taiwan, China at Brazil. VICK TANES
Comments are closed.