NAGBIGAY ng karagdagang tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Miyerkules sa mga biktima ng Typhoon Ulysses sa Cagayan Valley.
Umabot sa 500 food packs ang ipinadala ng lungsod sa John Wesley College na pansamantalang naging tuluyan ng maraming apektadong mga residente sa Tuguegarao City kung saan ang bawat food pack naglalaman ng 5 kilong bigas, 13 piraso assorted canned goods at 5 sachets ng instant coffee.
Nagpadala rin ang pamahalaang lungsod ng food items sa Office of Civil Defense Region 2 kabilang ang 100 sako ng 25-kilo ng bigas; 30 sako ng 50-kilo ng bigas; 200 kahon ng corned beef at beef loaf; 28 kahon at 139 piraso ng assorted canned goods; 400 canned sardines; at 30 kahon ng instant noodles.
Nagbigay din ng 10 kahon ng bottled water; 50 piraso ng 1-liter bottled water; 300 piraso ng 6-liter distilled water; 108 packs ng instant coffee; 108 bars ng bath soap; 24 bars ng laundry soap; 48 sachets ng toothpaste; at 63 pieces ng toothbrush.
Nauna rito, tumulong ang Navotas sa pamamagitan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa rescue at relief operations sa binahang probinsiya.
Ang rescue team ay nakapaghatid din 50 food packs na may kasamang 5 kilong bigas, 13 piraso ng assorted canned goods at 5 sachets ng instant coffee; 150 handwoven mats; at 150 blankets. EVELYN GARCIA/ VICK TANES
Comments are closed.