NAVOTEÑONG TAXI DRIVER PINURI NG TIANGCO BROTHERS

TIANGCO BROS

ISINAULI ng isang Navoteñong taxi driver ang cash at mga mahalagang gamit na nagkakaha­laga sa P150,000  na naiwan ng kanyang pasahero sa Navotas City.

Dahil dito, pinapurihan ng magkapatid na sina Navotas City Mayor John Rey ­Tiangco at Cong. Toby ­Tiangco si Rodney Chad Mallari, ng Barangay San Jose dahil sa kanyang katapatan.

Kuwento ni Mallari, naiwan ng kanyang pasaherong US Citizen na si Belen Zoza, 66, ang pouch na may lamang pera at mga mahalagang gamit na naisakay niya sa NAIA Terminal 2.

Dahil dito, nagtungo kay Punong Barangay Ernan Perez ng Barangay San Jose, Navotas ang taxi driver na kaagad namang nagpunta sa magkapatid na Tiangco at nag-courtesy call. EVELYN GARCIA

Comments are closed.