PANGASINAN-HABANG naglalayag patungong Vladivostok ang BRP Tarlac ay huminto ito at nagsagawa ng maintenance flight ang Navy Air Group.
Layunin nito na maging handa ang Task Force 87 sakaling magkaroon ng emergency airlift operation gamit ang kanilang Agusta Westland AW109 helicopter mula sa flight deck ng BRP Tarlac.
Sa isang panayam kay Navy Captain Florante Gagua, head ng Task Force 87, nabatid na refresher training lamang ito para sa mga kasapi ng Philippine Navy Naval Aviation para panatilihing nasa top flying condition ang naval choppers at ang mga piloto nito.
Bandang alas-8:30 ng umaga kahapon nang isagawa ang flight maintenance ng AW 109 sa karagatang nasa pagitan ng Bolinao at Panatag Shoal nina Naval Aviator Lt. Col Ariel Rallos at Major Guz Bercadez.
Regular ding inaalerto ang mga tauhan ng Navy na nakatalaga sa mga battle station upang masiguro na handa at mabilis na maka- responde ang mga ito anumang oras na tawagan sila ng kapitan ng barko o ng Task Force Commander. VERLIN RUIZ
Comments are closed.