NAVY CAPTAIN NAMATAY SA COVID-19

Giovanni Bacordo

KINUMPIRMA ni Phi­lippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na isang Navy Captain ang binawian ng buhay makaraang dapuan ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Bacordo, Agosto 5 ng gabi nang isugod sa AFP medical Center ang nasabing opisyal matapos lagnatin at hirap sa pag­hinga kaya agad itong na-intubate subalit pagsapit ng hatinggabi ay agad itong binawian ng buhay.

Sinabi pa ni Bacordo, galing sa Fort Bonifacio ang biktima pero inilipat sa Manila Naval Hospital dahil sa  nararanasang mga sintomas ng COVID-19 ngunit dahil sa lumalalang kondisyon ay inilipat ito sa AFP Medical Center at doon na siya namatay.

Samantala, inihayag naman ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na umaabot na sa 1,137 mga sundalo ang infected sa COVID-19 na kung saan 473 ang active cases habang 138 ang nakarekober.

Mayroong 517 na ang cleared at nakabalik na sa kanilang mga duty pero 10 AFP personnel na ang namatay. REA SARMIENTO

Comments are closed.