NAVY HEADQUARTERS BINUKSAN SA PUBLIKO

PH NAVY-3

PASAY CITY – BINUKSAN ng Philippine Navy sa publiko ang kanilang punong himpilan sa Roxas Boulevard sa Lungsod ng Maynila kaugnay sa kanilang pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo.

Tampok sa pagdiriwang ng Hukbong Dagat ang kanilang open ship na may Philippine Marine static display at exhibits para sa mga bata.

Matutunghayan sa pagbubukas ng Navy Open House ang 3K, 5K at 10K fun run na sinalihan ng mga kagawad ng Philippine Navy, Naval reservist at mga sibilyan.

Nakadaong din ang BRP Emilio Jacinto, isang warship ng Philippine Navy na nagpapatrolya sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang na ang West Philippine Sea.

Hinayaang umakyat at mag-selfie ang mga sibilyan sa barko, kung saan may mga Navy personnel na handang magbigay impormasyon ukol sa war-ship at sa kanilang trabaho.

Maaari ring magpa-picture sa helicopter ng Navy at sa iba pang ka­gamitan ng militar.

Ayon kay Capt. Jonathan Zata, tagapagsalita ng PN, layunin ng proyekto na maging mas mulat ang publiko ukol sa kakayahan at gawain ng Philip-pine Navy.

Layunin nito, ani Zata, na mahikayat ang mga makabayang Filipino na mag-apply at pumasok sa hukbong dagat ng Filipinas upang makapaglingkod sa ­bayan.       VERLIN RUIZ

Comments are closed.