INIHAYAG ng Philippine Navy na nakalikha na sila ng plano kung paano gagawing health facility ng mga coronavirus disease (COVID-19) patients ang presidential yatch na BRP Ang Pangulo base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Philippine Navy Flag Officers In Command VAdm. Giovanni Carlo Bacordo, noong Abril 4 pa pinasimulan na ang pagpaplano para tumugon sa direktiba ng Pangulo na gawing health facility ang inilaang barko sa Punong Ehekutibo ng commanding officer ng barko.
Nabatid na nakikipag-ugnayan na rin si Commander Marissa Andres-Martinez , ang kapitan ng BRP Ang pangulo sa da-lawang hospital Davao na kapwa designated covid centers kabilangang Southern Philippines Medical Center.
Bukod pa sa coordinationg ginagawa sa Camp Panacan station hospital na isnag miltiary hospital,
Nabatid na mananatiling on board ang lahat ng crew ng presidential yatch subalit selyado sila sa area kung nasaan ang mga pasyente na tatlong metro ang pagitan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.