NAVY MAGDARAGDAG NG PATROL SHIP SA WEST PHILIPPINE SEA

INIHAYAG ni Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Philippine Navy Flag Officer In Command oras na maging operational ang mga naval asset na kasalukuyang under repair ay magdaragdag ito ng patrol ship sa West Philippine Sea.

Ani Bacordo, may ilang barko ng Navy na kasalukuyang kinukumpuni ang ide­deploy sa West Philippine Sea bilang tugon sa direktiba ni Armed Forces Chief of Staff General Cirilito Sobejana na higit pang paigtingin ang pagpapatrulya sa maritime domain ng bansa.

Nilinaw nito na hindi umaatras ang Navy pagbabantay sa West Philippine Sea katunayan ay may mga nakalatag na plano na dag­dagan pa ang bilang ng patrol sea craft na maglalayag sa nasabing karagatan bukod sa mga dati ng nagpapatrulya.

Nabatid na bukod sa naval ship na under repair ay nakatakda namang i-decommission ng PN ang apat nilang barko, dalawa rito ay World War II vintage ngayon Marso.

Tinukoy ni Bacordo ang “soon-to-be-decommissioned ships” ang BRP Quezon (PS-70), dating Auk-class minesweeper ng US Navy na ginawa noong World War II at inilipat sa PN nuong 1967; ang BRP Pangasinan (PS-70), dating US Navy patrol craft escort na binuo nuong 1943 at ibinigay sa Pilipinas noong 1948 at Tomas Batilo-class fast patrol craft, BRP Salvador Abcede (PC-114) BRP Emilio Liwanag (PC-118) na binili sa South Korea noong 1996.

Anito, ang apat na naval asset ay nakatakdang iretiro dahil sa sobrang katandaan at may kamahalan na para ipagawa pa.
Magugunitang kama­kailan ay tinanggap ng Navy ang dalawang guided-missile frigates, ang BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151), na nakatakdang i-commissioned sa mga susunod na araw.

Habang ang decommissioned Tomas Batilo-class ay inaasahang papalitan ng Fast Attack Interdiction Craft-Missile (FAIC-M) na kilala bilang Shaldag Mark 5 na inaasahang darating simula 2022.
Nabatid na inilabas ng Department of National Defense ang Notice of Award para sa FAIC-M nitong Ene­ro 4, 2021.

“We have to allocate our meager budget to maintain our more modern warships,” ani Bacordo.
Tiniyak pa ng opisyal na may sapat pang barko ang navy para magsagawa ng various missions.
VERLIN RUIZ

Comments are closed.