SA gitna ng nararanasang giyera kontra coronavirus (COVID-19) pandemic ay nag-deploy ang Philippine Navy ng dalawang patrol boat sa Visayas para palakasin pa lalo ang kanilang maritime operations.
Ayon kay Navy Flag Officer in Command Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo, sa likod ng nagaganap na Enhanced Community Quarantine sa maraming mga siyudad at lalawigan ay hindi nila isasantabi ang kanilang mandato na pangalagaan at patatagin ang naval defense sa bansa.
Pinasimulan ng Philippine Fleet, sa pamamagitan ng Littoral Combat Force, ang paglalayag ng Patrol Boat PB356 at PB358 ng 5th Patrol Boat Division sakay ng BRP Bacolod City (LS550) sa Captain Moya Boat Landing sa Sangley Point, Cavite City patungong Naval Forces Central Area of Operations.
Pinangunahan ni Littoral Combat Force Commander, Captain Alfonso F. Torres Jr., ang Send-off Ceremony, at personal na pinangasiwaan ang matagumpay na lifting and loading operations ng mga patrol boats.
Ito ay makaraang matanggap nila ang “completeness & readiness for deployment” ng PB356 and PB358.
Ang deployment ay mahalaga sa ginagampanang maritime patrol operations, internal security operations and logistics support missions ng Philippine Navy ayon kay Capt Torres base sa kanilang mandato na “protecting our seas, securing our future.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.