Mainit na yata si Presidente Duterte sa mga komunistang grupo na tuloy-tuloy ang kanilang halatang adyenda na wasakin ang kanyang pamahalaan at pati na ang mga industriya upang mawasak ang ating demokrasya. Kaya naman tila bumaligtad ang mundo ng mga militanteng grupo na ito at binalikan sila ng ating gobyenro noong nagkaroon ng pagdinig sa Senado tungkol sa isyu ng red-tagging. Walang tigil ang mga ebidensya laban sa mga grupo, tulad ng Bayan Muna, na inuugnay sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA), kahit patuloy rin nila itong itinatanggi.
Pero ngayon, wala na talagang takas o lusot ang mga komunistang ito kung mismong anak ng isang representante ng Bayan Muna ay napatunayang nasa kuta ng mga CPP-NPA. Nahihirapan na ang Bayan Muna na itago ang kaugnayan nito sa nasabing grupo at naka-marka na talaga sila sa mata ng gobyerno. Delikado ngayon ang posisyon ng Bayan Muna, dumarami lang ang kalaban nila, at nawawala lang din ang kredibilidad ng mga grupong ito.
Hanggang ngayon, ang Bayan Muna ay isa sa pinakamakulit na grupo na madalas manuligsa sa pamahalaan at maging sa mga pribadong kompanya. Bilang isang consumer group, dapat pinoprotektahan ng Bayan Muna ang interes ng buong bayan, kasama rito ‘yung ordinaryong tao o konsumer. Pero kaysa magsulong ng pagiging progresibo ng bansa, taliwas dito ang ginagawa ng Bayan Muna, at sunod-sunod ang mga atake nito sa mga industriya, para mawasak din nila ang demokrasya sa Filipinas.
Puro reklamo lang at pagpuna ang ginagawa ng Bayan Muna, at wala na itong nakitang maganda sa ginawa ng pamahalaan, o ng mga pribadong kompanyang nakikiisa sa mga adhikain ng pamahalaan. Lahat na lang inaatake ng Bayan Muna.
Kasama na rito ang paulit-ulit na atake ng Bayan Muna laban sa energy sector ng bansa. Ang koryente ay isa sa pinaka-malaki at pinaka-importanteng bahagi ng pangunahing programa ni Pangulong Duterte na ang Build Build Build. Napakahalaga ng koryente upang masuportahan ang programang ito na ukol sa impraestruktura sa bansa. Pero bawa’t linggo, ang Bayan Muna ay may panibagong press release o statement, na wala namang katotohanan o ebidensya, na kritikal at mainit laban sa Meralco, ang pinakamalaking distribyutor ng koryente sa bansa at ang sentro ng komersiyo at kalakalan sa Filipinas. Kaisa ng pamahalaan ang Meralco at ang buong industriya ng koryente sa pagpapababa ng presyo ng koryente at sa pagsiguro na mayroong sapat na supply nito sa bansa.
Pero ngayon, na na-expose na ‘yung mga komunistang grupong ito tulad ng Bayan Muna, at ang lahat ng mga kasalanan nila sa bayan, lumalaban na rin ang pamahalaan at ang mga pribadong kompanya sa loob ng mga iba’t-ibang mga industriya, kasama na rito ang utilities sa energy sector.
Klarong-klaro na ang mga malisyosong kasinungalingan at akusasyon ng Bayan Muna ay malinaw na pagharang sa pagkakaroon ng progresibong ekonomiya sa bansa. Kasama sa layunin ng Bayan Muna ang himukin ang mamamayang Filipino na magalit at mag-aklas laban sa pamahalaan at sa demokrasya. Kapag ito ay matutupad at mangyari, maaaring bumagsak ang pamahalaan. At ang tanging makikinabang kapag nangyari ito ay ang mga militantent grupo tulad ng CPP-NPA.
Huli na kayo. Halata na ang tunay na interes na isinusulong ng Bayan Muna at ito ang wasakin ang mga industriya. At kung wala nang progresibong ekonomiya, mawawasak din ang pag-aasenso ng demokrasya. Kasinungalingan ang “Bayan” sa Bayan Muna.
Comments are closed.