GOOD day mga kapasada!
Kalunos-lunos ang nagaganap na trahedya gaya ng banggaan ng bus, pagkahulog sa malalim na bangin, pagkawasak ng tahanan, buhay at ari-arian at mga kauring sakuna na nagreresulta ng kamatayan. Walang pinipiling lugar at panahon ang iba’t ibang sakuna sa kalsada na madalas ay pagkawala ng preno ng minamanehong sasakyan ang idinadahilan.
Sa katotohanan, ayon sa nakausap kong professional mechanic sa isang kilalang motor shop sa Parañaque City na ayaw ipabanggit ang pangalan, aniya, talagang gasgas na ang mga pariralang “nawalan daw ng preno kaya’t nakadisgrasya”.
Idinagdag pa nito na karaniwan at palasak na matuwid na hindi kumagat ang preno kaya isinampa sa pavement o kaya ay ibinangga sa poste o sa pader para maiwasan ang malagim na trahedya.
DAHILAN NG PAGKAWALA NG PRENO
Nang itanong ko kay kasangguni ang dahilan kung bakit nawawalan ng preno ang sasakyan, napakamot siya sa kanyang ulo. May ilan aniyang dahilan na ang lahat naman ay maaaring maiwasan kung properly maintained ang sasakyan.
Maaari aniyang kulang sa fluid ang brake (preno). Aniya, sa karaniwang sasakyan na may hydraulic brake system, kung kulang sa brake fluid, para mo na ring sinabing walang preno ang minamanehong sasakyan.
Iba naman aniya kung ang sasakyan ay nagtataglay ng air brake na ang kailangan ay wastong air pressure. Kung walang air pressure, that brakes are applied.
Maiiwasan naman aniya ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular checkups and inspection of the brake system.
Proper inspection of the brake system is a must at ang pinakamahalaga ay matiyak na walang tagas (leak) ang brake fluid.
Ugaliing sangguniin ang manufacturer’s manual upang mabatid kung kailangan dapat dagdagan ng fluid, kung kailan dapat linisin ang brake system.
Ang hirap lamang aniya sa mga driver ay walang inaatupag kundi ang patakbuhin ang sasakyan at ipinaiiral ang bahala na system na karaniwang dahilan ng pagkasadlak ng buhay sa kasawian.
***pasasalamat kay kasangguni***
HUMAN ERROR KATUMBAS NG BUHAY
Ano ba ang pagkakaiba ng human error sa lost of brake? They are synonymous in nature since they are most likely to kill you.
Lubhang nakababahala ang death toll na iniulat ng National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) na ang bilang ng nasawi (death) na 1,380 mula sa naganap na 19,000 road accidents sa Filipinas sa unang taon pa lamang ng 2017. At mula noon, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa kasama sa talang ito ng PNP-HPG.
Base sa ulat na ito ng PNP-HPG, ito ay nangangahulugan na limang katao ang namamatay sa road accident araw-araw at ang culprit (dahilan)? E, ano pa nga ba ‘di ang sinasabing HUMAN ERROR.
Ayon kay Jess Viloria, ang professional mechanic na lagi nating kasangguni, chief mechanic ng Red Brake Auto Supply sa Sucat Road, Parañaque City, driving mistakes can cost lives.
Kung ayaw mo aniya na mapabilang ang iyong pamilya sa estadistikang ibinahagi ng PNP-PHG, “make road safety a priority,” diin ni Jess na may halong pananakot.
Biglang bumuwelta si Jess at sinabing: “It all start with your self-awareness. Are you a bad driver? Hindi pa ba nagbabago ang iyong kinagawiang driving habit?”
Bago aniya businahan ang fellow motorist, tiyakin mo lamang na ang driver na sumusunod sa iyong hulihan isn’t guilty of these deadly driving mistakes.
HUWAG KALIGTAAN NA TSIKIN ANG IYONG BLOWBAGETS
Upang makatiyak ng road safety sa inyong paglalakbay, bago pa lamang umalis kayo sa inyong garahe at tugpain ang patutunguhan tsikin ninyo ang motoring term B L O W B A G E T S.
Huwag ninyong pagtatawanan ang coined words na ito ng PNP-HPG na ang kahulugan ay:
B- battery
L- light
O – oil
W – water
B – Brakes
A – Air
G – Gas
E – Engine
T – Tools
S – Self
Babala, ang pagkabigo na makita ang early signs of damage ay maaaring maging dahilan ng ‘di inaasahang biglang pag-explode ng maraming bahagi ng inyong sasakyan.
Gaya ng payo ng maraming professional mechanics, huwag kaliligtaang konsultahin ang owner’s manual for the maintenance schedule ng bawat component ng inyong sasakyan.
Sakaling may matuklasang problema sa parts ng makina, ikonsulta agad sa qualified mechanic upang ito ay ipaayos bago mahuli ang lahat na ikapapahamak ng mga sumasakay.
PELIGROSO ANG MALING PAGLUSOT
Ang maling paglusot (bad overtaking) ay ipinalalagay na pangunahing dahilan sa aksidente sa kalye sa Filipinas ayon sa ulat ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Mula naman sa ipinalabas na data ng Philippine Statistics Authority, ipinamalas dito na ang maling paglusot (bad overtaking) ay nakapagtala ng 8,000 accident sa buong bansa mula noong 2010 hanggang 2012.
Ang ganitong masamang asal sa pagmamaneho ng ating mga kapasada makes the road highly dangerous hindi lamang para sa mga erring driver gayundin sa iba pang mga motorist.
Ayon sa estadistika, ang collision ay nagaganap kung mabigo ang drayber na matingnan ang kanyang side mirror o rear view mirror bago pa man magpalit ng linya o kaya ay ma-miscalculate ang speed at agwat ng makakasalubong na sasakyan.
ANG PAGKAWALA NG KONTROL NG SASAKYAN
Balikan natin ang kasangguning si Jess Viloria. Ayon kay Jess, may tatlong klase ang pagkawala ng kontrol ng sasakyan:
- Maaaring tumanggi ang gulong
- Maaaring tumalon ito sa bilis ng pagpapatakbo at hindi gaanong sumadsad sa lupa at
- Maaaring uminog ito dahil sa pagpigil dito habang kumukurba ang sasakyan.
Sakali aniyang tumanggi ang gulong, gaanan natin ang apak sa brake para bumalik ito sa dating takbo. Kung tumatalon o umiinog naman ang gulong, alisin natin ang paa natin sa accelerator.
Sa mga pagkakataong umiikot ang sasakyan, ipihit natin ang manibela sa direksiyon na tinatakbo ng gulong. Sa ganitong paraan maibabalik ang kontrol natin sa sasakyan.
Kasangguning Jess, salamat.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.