NAWASAK NA TULAY NI PAENG INAAYOS NA

PERSONAL na ininspeksiyon ni DPWH Secretary Manuel Bonoan kasama sina Undersecretaries Roberto R.Bernardo at Carlos G.Mutuc ang lugar kung saan kasalukuyang ginagawa ang tulay na papalit sa Bantilan bridge na winasak ng Bagyong Paeng nitong nakaraang buwan.

Ipinaliliwanag ni DPWH Region lV-A Director Jovel Mendoza sa mga opisyal ang uri at katatagan nang ipapalit na tulay na mas pakikinabangan ng matagal ng mga residente at motorista mula sa lalawigan ng Quezon at Batangas.

Sa ngayon ay libo-libong estudyante, negosyante at mga lokal na mamamayan ang masayang naghihintay sa pagbubukas ng tulay na ayon sa mga opisyal ng DPWH ay maaari ng pakinabangan sa susunod na taon.
ARMAN CAMBE