(Nawasak ng bagyong Ramon) PITONG MAJOR ROADS ISINARA

PANSAMANTALA munang isinara sa publiko at hindi muna pinadaraanan sa lahat ng uri ng sasakyan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pitong pa­ngunahing lansangan sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Ramon sa hilagang Luzon.

Sa report ng DPWH, kabilang sa mga isinara ay tatlong kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR); isa sa Region 1; at tatlo sa Region 2.

Batay naman sa inisyal na ulat ng district engineering office kay DPWH Secretary Mark Villar, ang pagsasara ay dahil sa tumaas ang tubig sa mga ilog, gumuho ang mga lupa at nagkaroon ng soil erosion.

Sa CAR, bawal daanan ang Kabugao Dibagat, Kabugao at ang Namaltugan Calanasan, Apayao.

Gayundin ang Claveria Kabugan Calanasan Road at ang Apayao Ilocos Norte Road.

Sa Region 1, Ilocos Norte, hindi pinadaraanan ang Cape Bojeador Road; habang sa Region 2, Cagayan naman ay hindi madaraanan ng lahat ng sasakyan ang Abusag Overflow Bridge sa San Jose Sta Margarita Road, Baggaw, Cagayan at ang alternatibong daan ay sa Jct Gataran Cumao Capisatan, Sta. Margarita Road; Itawes Bridge sa Cagayan Apayao Road; at sa Isa­bela ang Cabagan Sta Maria Overflow Bridge at ang mga motorista ay pinadaraan sa Daang Maharlika via Tuguegarao.

Sa ngayon ay patuloy ang restoration sa mga nasirang lansangan at mga tulay, nalagyan na rin ito ng mga warning sign at mga alternate route upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, higit lalo ng mga motorista. PAUL ROLDAN

Comments are closed.