NAWAWALANG DALAGITA PATAY NA NANG MATAGPUAN

NAGA CITY- POSITIBONG kinilala ng mga kamag-anak ang natagpuang bangkay ng 17- anyos na dalagita na may isang linggo nang nawawala matapos na madiskubre ang nabubulok ng katawan nito sa isang bakanteng lote sa Barangay Liboton sa lalawigang ito.

Hinihinalang hinataw ng martilyo ang dalagita dahil sa isang martilyo at isang lagari na nakita sa lugar ng pinangyarihan na posible umanong ginamit ng salarin na makakatulong sa pagkakakilanlan ng suspek.

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagkakakilanlan ng biktima base sa suot nitong jogging pants at shirt na siya umanong suot nito nang huling makita bago napaulat na nawawala may anim na araw na ng nakalipas.

Ayon sa mga awtoridad, ang natagpuang bangkay na nasa early stage of decomposition na ay ang nawawalang senior high school student ng Camarines Sur National High School.

Nadiskubre ang bangkay bandang alas-3:30 ng hapon na nakabalot ng kumot at itinapon sa basurahan na kung saan at huli itong nakitang pumasok sa isang convenience store.

Agad na ipinag-utos na isailalim ang labi ng dalagita sa medico legal examination upang mabatid ang mga pinag daanan nito o sanhi ng kanyang kamatayan. VERLIN RUIZ